Thursday, April 28, 2016

JOHN LLOYD-JENNYLYN vs. JAMES-NADINE SA MAY 4

Sa pagbabago ng playdate from April 27 to May 4 ang showing ng “Just The 3 of Us” ng Star Cinema na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn  Mercado makikipagbangaan ang pelikula nina Lloydie at Jen sa pelikulang "This Time" nina James Reid at Nadine Lustre mula sa Viva Films.


Sa takilya, mag-aagawan ng audience ang dalawang pelikula na halos iisa lang ang market at manonood nila. Iisa lang ang fans na manonood na mahiligin sa mga pelikulang rom-com.


Pause
Current Time 0:01
/
Duration Time 0:01
Remaining Time -0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%
0:01
Fullscreen

00:00
Mute

Kung titingnan, ang market audience nina Lloydie at Jen ay mga 18 and above at siyempre kasama na rin doon ang mga nanay, ate, auntie, at lola na matagal nang manonood at tagasubaybay ng dalawa.

Ang manonood naman ng tambalang JaDine, mga high school students ang edad, na pati mga nanay at lola at isama mo na rin sina ate at auntie ay kinikilig na rin sa dalawa na nabuo nila sa pamamagitan ng kilig seryeng “On The Wings of Love”.

Sa ganang akin, parang sayang na magbabangayan at mag-aagawan ang dalawang pelikula sa manonood ccome May 4 na puwede namang sapol nila ang lahat ng moviegoer , mapa-Lloydie-Jeen or JaDine ka man.

Sa mahal ng presyo ng bilihin sa palengke at hindi pagbaba ng halaga ng dressed chicken sa Nepa Q-Mart at isang kilo ng bangus sa Farmer’s Market, ang yaman mo kung mapagsasabay mong mapanood ang dalawang kilig to the max movies ngayong tag-araw.

Ikaw, may P250 ka, ano ang uunahin mo at siguradong pagkakagastusan mo na pelikula? Ang “This Time” nina James at Nadine o ang “Just the 3 of Us” nina John Lloyd at Jennylyn?

Basta ako, wala akong maisasantabi. Excited ako na mapanood ang dalawang pelikulang ito next week simula sa Wednesday. Basta ako, walang pakialam sa “batya” ni Captain America.

No comments:

Post a Comment