Sa video ni Goma na nasipat namin online, kasama ng mga kasambahay, driver, kusinera, at mga personal na kaibigan n Richard na tumatakong Mayor ng Ormoc City sa dararting na leksyon sa May 9, nakatutuwang panoorin si Juliana na pinu-push ang ama sa lokal na lengguwahe ng Ormoc City (Leyte).
Nang mapanood namin ang naturang video, nag-text kami kay Goma asking him kung anong dialect aside from English ang bihasa ang anak.
Sa text message sa amin ni Rchard kanina: “She speaks fluent Tagalog, English, and Bisaya or Cebuano.
“Ormoc is Cebuano speaking. Most islands facing Cebu in the country is basically Cebuano speaking,” text message ng aktor sa amin kanina.
Kaya nga si Goma, sa pangangampanya niya (na umaabot siya sa mga kabundukang barangay ng Ormoc, ang lengguwahe niya sa mga kababayaan niya ay in Cebuano, na hindi mo iisipin na ang isang tubong Manila na nakapangasawa ng isang lokal na taga-Ormoc at doon na rin tumira ay matalas pa ang dila sa pagse-Cebuano na kapag kausap siya ng mga taga-Ormoc, kung hindi nila kilala ang isang Richard Gomez, iisipin nila na lokal na lokal ito.
No comments:
Post a Comment