Si Quen, sinubukan nila na I-partner kay Julia Barretto na akala ko nga noong una ay okey na. Pero sablay at ang hirap makabuo ng fan based ang dalawa hanggang sa matapos ang teleserye nila ay pakiwari ko'y walang clamor for another project na para masundan. Si Julia, mas bagay kay Inigo Pascual.
Dahil sa magandang feedback sa LizQuen love team , di na nagdalawang isip ang Star Cinema na sundan ang trending na pagkahumaling ng sambayanan sa tambalan ng dalawa via the movie “Just the Way You Are” na palabas simula ngayog araw June 17. Sa premiere night yesterday dinumog ang event mula sa ground floor pa lang ng SM Megamall hanggang sa theater lobby sa 3rd floor.
Sa trailer, cute ng dalawa. Sexy si Quen sa kanyang mga shirtless scences na ngayong araw ito ang panonoorin ko para hindi ako maging huling sa usap-usapan ng bayan.
Hopefully maging positive sa box-office angh pelikula We love the LizQuen team-up na sana hindi lang ito ang unang pelikula na pagsasamahan ng aming “prinsesa” at ni Enrique.
No comments:
Post a Comment