Monday, June 15, 2015

JUDAY SPANISH BREAD ANG PINAGLILIHIAN

Masaya ang desposisyon ng aktres na si Juday Ann Santos ngayon nang mabalitaan nila ng mister na si Ryan Agoncillo na buntis siya sa pangalawang pagkakataon. Palaging nakangiti at laugh trip si Juday.

Matagal din hinintay ng mag-asawa ang pagkakataong ito na hari nawa'y maging kambal (ang gusto ni Ryan) ang magiging baby nila.

Pero alam n'yo ba na ang masarap na "Spanish bread" na bini-bake ni Mommy Carol Santos ang pinaglilihian ngayon ng aktres?

Food trip daw ngayon si Juday dahil last Sunday, nang bumisita ang mag-ina sa Legaspi Farmers Market sa Makati last Sunday, kung anu-ano ang mga pinagbibili na prutas ng kanyang anak.

"Ang dami niya pinagbibii. Langka, ginataan at kung anu-ano," kuwento ni Mommy Carol sa phone interview kanina (Monday, June 16) sa programang Mismo sa DZMM 630AM nina Jobert Sucaldito at Ahwel paz (pero si MJ Felipe ang naging co-host ni Jobert at nasa USA si Papa Ahwel).

Food trip ang buntis at si mister
Pagkatapos nila magsimba sa St. Pio Chapel sa may bandang Libis, Quezon City nang mag-merienda sila ang inorder naman diumano ni Juday ay champorado, tuyo at suman; kuwento ni Mommy Carol.

Dahil sa kalagayan ngayon ni Juday lahat ng projects niya ay naka-shelve muna kasama na rito ang teleserye na dapat sana nila pagsasamahan ni Richard Yap at Diether Ocampo na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network.

Sa isang invitation na natangtap namin kanina para sa darating na Friday, June 19, makakaharap namin ng personal si Juday and hopefully makakuha kami ng additional information mula sa aktres sa estado niyang buntis at sa mg plano niya sa nalalapit na panahon.






No comments:

Post a Comment