Wednesday, June 17, 2015

SI LIZA SOBERANO ANG BAGONG BEA ALONZO

After watching Star Cinema’s “Just the Way You Are”, tama ang hinala ko na pareho kami ng nasa sa isip ng mga pamunuan  ng Star Cinema na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang bagong John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa liga ng mga kabataang artista na nasa hanay nila.

Hindi sina Kathryn Bernardo or Daniel Padilla ang papalit sa trono nina Lloydy at Bea. Hindi rin sina Julia Baretto at Inigo Pascual ang uupo sa trono ng dalawa na nag-level up na.

Cute ng tambalan nila. Aliw ako sa ng hotdog scene nina LizQuen; ang pa-cute ng binata sa pelikula na bagets na bagets ang peg. Pero not to forget ang mga hugot scenes ng dalawa lalo na si Liz na damang-dama mo ang nararamdaman habang pinapanood mo ang eksena niya na hinahanap niya kay Quen ag bulok niyang sneaker; ang paguusap nila sa loob ng kotse na after watching that scene ay bulls eye ako na si Liz ang bagong Bea Alonzo ng showbiz.

Puno ang sinehan sa LFS sa Gateway Cineplex na mostly mga girls na edad 18 and above(kasama ang mga boyfriend nila) ang market ng pelikula.

Bukas, Friday ay nakatakda umalis patungong USA ang dalawa para dumalo sa block screening ng pelikula nila. Sa US, muli magkikita in person ni Liza ang ina niya na naka-based sa Sta. Clara, California (near San Jose sa may Bay Area) after almost 7 years. Sa Skype lang daw nagkakapag-communicate ang dalawa.
 
Sa pagbabalik ng dalawa ay pa-planuhin naman ang next teleserye nila after Forevermore na ipapalit sa teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Pangako sa 'Yo.
 
Last night sa first day of showing ng"Just The Way Your Are" ay lagare sina LizQuen sa mga dinaluhang block screening ng pelikula nila kaya after nila mag-theater rounds, habang kausap ko ang manager ni Liza na si Ogie Diaz over late dinner, sabi ni Ogie ay tulog na daw si Liza sa sobrang pagod and that was only around before midnight.
 
Today, tuloy ang pag personal appearance ng dalawa sa mga blocking screening ng mga taga-suporta at fans nila.
 

1 comment:

  1. Sure na ba yan na sila ang papalit sa PSY? Oh my! Exciting!

    ReplyDelete