Tuesday, September 1, 2015

MABUHAY VICE GANDA AT MEGA MAGAZINE

Hangga kami sa fashion magazine na Mega sa ginawa nilang matapang na hakbang na ilagay si Vice Ganda sa kanilang September 2015 issue sa cover.
 Alam naman natin, lalo na yong mga subscribers ng Mega at ilang mga local fashion and lifestyle magazines na palagi, mga magandang babae ang nasa cover nila.

 Kaya nga matapang ang publisher ng Mega na i-cover si Vice na nakasuot ng isang magarang pink colored gown na kinunan pa ang cover photo sa Hokkaido, Japan na nakapaligid ang mga lavender flowers.

Hindi ito ordinaryo. Isang malaking hakbang ito sa fashion world sa Pilipinas na alam ko madami ang maguusisa at magtataas ng mga kilay.

Bakit si Vice. Bakit isang bakla? Ano na ang nagaganap sa mundo ng local fashion na sa dinami-dami ng mga modelong magaganda, isang Vice Ganda lang ang kanilang inilagay sa cover.

Ang naturang cover ay isang matapang na hakbang para sa magazine na gawin ito sa dati-rati’y naka-kahon nilang konsepto at cover na pulos babae na kinulapulan lang ng make-up, pero yun lang ang simpleng mensahe na gusto nila itawid na magaganda ang mga itsura ng mga babae na nakabihis at naka-pustura at magagara ang mga suot na yari at disenyo ng mga local designers or gawa ng isang sikat na international designer or fashion house.

Pero panalo ang LGBT community sa ginawa ng Mega sa kanilang September issue na lalabas sa next week (Wednesday, September 9) at magiging available sa mga bookstores dahil binigyan nila ng pagkakataon ang isang tulad ni Vice na nagtataguyod sa karapatan ng mga “kafatid” niyang LGBT na sa pamamagitan ng September issue ng naturang babasahin ay maitatawid ng comediane-host ang mensahe na sa mundong ito ang lahat ay pantay-pantay at may karapatan.

Mabuhay kayo Vice Ganda at Mega Magazine

No comments:

Post a Comment