Wednesday, September 2, 2015

NAGBUNGA ANG SIPAG NI LIZA SOBERANO

Nakakatuwa isipin na sa murang edad, alam ni Liza Soberano ang kanyang responsibilidad sa kanyang pamilya.

Sa ilang taon pa lang niya sa showbiz, nakakatuwa na ibinalita ng dalaga na may bahay na siya para sa kanyang pamilya somewhere in Quezon City.  
        
Yes, bunga ang naturang bahay ng kanyang pagsusumikap at pagtitiyaga bilang isang artista na ang akala kasi ng mga tagalabas ng showbiz, ang dali ng trabaho ng mga artista natin. Hindi nila alam ang hirap t pagod sa taping, shooting at pag-arte sa harap ng kamera.

Ang nakikita lang ng mga tagalabas at mga fans ay ang produkto na bunga ng pagtitiyaga, puyat at kung minsan pagkakasakit dahil exhausted ang katawan mo.

Di nga ba't si Kris Aquino recently ay na-ospital dahil sa sobrang trabaho?

Sa mahigit sampung TVC and endorsements na rin ang nagwa ng dalaga; ayon sa manager niya na s Ogie Diaz,” Ang maganda sa kanya (Liza); hindi siya mareklamo sa trabaho. Work lang siya ng work. Alam kasi niya kung ano ang goals niya sa buhay at kung ano ang gusto niya,” sabi ni Ogie sa amin  during the contract signing nila ng alaga niya as the celebrity endorser of Nails.Glow (Nails & Body Spa) owned by husband & wife Ferdie & AJ Opena na may 40  branches nationwide na ang ilan ay matataguan sa Tandang Sora (Q.C); Guiguinto, Bulacan; Star Mall Molino-Cabite, at kung saan-saan pa.

Ang Nail.Glow is Liza 14th product endorsement kung saan kabilang din ang ilang mga beauty products, food chain at clothing brand ang mga ini-endorso ni Liza.


Liza with Nails.Glow owners Ferdie & AJ Opena
Very pretty si Liza that afternoon who was so sweet to accommodate sa photo-op with the press and some guests sa naturang event.

Now na may bagong haybols na si Liza for her family; her next project naman ay ang pagbubuo ng kanyang dream house.

“I need to work hard. Yes, work very hard dahil I want to design the house na titirahan ko in the near future,” kuwento ng dalaga sa amin.


Sa mga fans ni Liza at Enrique Gil (LizQuen) watch out sa bago nilang romcom sa Kapamilya Network na nagsimula na mag-taping at ang pelikula nila para sa Star Cinema na nagsimula na mag-shooting today (September 3,Thursday)with Aiko Melendez and Gerald Anderson under the direction of Mae Cruz-Alviar .

Sa darating na Star Magic Ball ang ka-love team ng dalaga na si Enrique ang kanyang magiging date.

No comments:

Post a Comment