Friday, April 29, 2016

GOMA IGINAPANG ANG MBA KAHIT BUSY SA SHOWBIZ

Congratulations kay Richrd Gomez who recently graduated sa kanyang MBA (Master in Business Administration) na nagkaroon ng graduation rites sa PICC last April 27.

Nakaka-proud sa mga artista na nagsusumikap na bukod sa kanilang natapos na-course sa kolehiyo ay nagsumikap pa rin na i-level up ang kanilang edukasyon.

Sa kaso ni Goma na super busy ngayon sa kanyang pangangampanya bilang mayor ng Ormoc City and on the side ay may gawaing pang-showbiz na binubuno, mahirap talagang pagsabayin ang pagkuha ng master’s degree.

Text message nga ng aktor sa amin na dalawang taon niyang tinapos ang kanyang MBA. Sa sariling salita ni Goma, “Ginapang ko talaga para matapos ko, kasabayan ng pag-aartista ko.”

Ayon sa aktor: “Kasabay ng movies ko na ‘The Trial’ (with Gretchen Baretto, Sylvia Sanchez and Jonh Lloyd Cruz) at ‘The Janitor’ (with Dennis Trillo), The Love Affair (with Dawn Zulueta and Bea Alonzo) at teleseryeng ‘You’re My Home’ ay binuno ko ang MBA ko.

“While on the set working, I would read and write in between sequences and while campaigning. Everything. Extra difficult when I started the campaign trail because of puyat. I thought hindi ko matatapos ‘yung thesis ko plus other requirements sa school.”

Mensahe pa ni Goma sa amin: “Gusto kong pasalamatan ang mga tumulong sa akin while doing my research. Una sa lahat na, very supportive sa akin while I was doing my research and my thesis is my beloved wife Lucy, my daughter Juliana, without both of whom I would not have had the fortitude and inspiration to finish everything that I have started, and to finish them well.


“My greatest thanks go out to Perry Deen, Matt Torres, Jun Da Jose, Yeye Vivas, Malou Manalo, Cecil Nidea, Dennis Vivas, Bambit Gaerlan, Bombom Rojas, and Marilor Gutierrez, and the rest of the congressional staff, without whose assistance they so seriously provided, my tasks would have been far more difficult and daunting.

“Much gratitude goes to Atty. Nolitz Quilang, Atty. Jasper Lucero, Atty. Rene Martinez, and Farica Zagambo.” Gusto ring pasalamatan ni Goma ang kanyang mga instructors, lecturers, and mentors na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa kanya at sa mga kapwa niya estudaynte. Sabi nga niya sa kanyang mensahe: “Our minds are so much richer for your gift of wisdom.”

Bukod sa mga nabanggit na mga tao, gusto ring pasalamatan ng aktor ang mga taga-Lake Danao at mga taga-Ormoc. Sabi ni Goma: “Both are source if inner peace and my reason for doing  a lot of things I am doing right now. And most of all thank you to the great Lord God, without whom nothing is ever possible.”

Sa kanyang thesis na “Development  of Business Strategy Based on the Present Status and Impact of Eco-tourism in Lake Danao and Ormoc”, sigurado na malaking tulong ito sa City of Ormoc (sa Leyte) para sa planong kaunlaran ni Goma, kung sakaling mahalal siya sa darating na eleksyon.
Sa darating na eleksyon, makalalaban ni Goma ang incumbent mayor ng lunsod.


By the way, sa kabila ng kaabalahan ng aktor para bunuin ang kanyang thesis sa kabila ng kaliwa’t kanang trabahong showbiz at panangampanya ay binigyan siya ng grade na 98% para sa kanyang thesis.

Congrats, Goms! And good luck sa kampanya mo.

Thursday, April 28, 2016

AIKO MELENDEZ HAPPY SA BAGONG BOYFRIEND

Happy kami for actress Aiko Melendez, dahil after so long (the last was Martin Jickain kung saan may isang anak sila), tila natagpuan niya ang lalaking mamahalin niya habambuhay.

Ang lalaki who is much younger sa kanya ay ang Persian businessman na si Shanin Alimirzapour. Nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng kaibigan ng aktres.

Salaysay ng aktres sa aming FB account nang magparating kami ng mensahe na kung maaari ay makikiamot kami ng konting kuwento o impormasyon about her new found love: “I met Shahin at the birthday party of my good friend Angel Pia Santos. He introduced himself to me. Shahin and Pia are good friends so he asked my Facebook account name coz I didnt want to give my number at first. Then the following night he messaged me but it took days before I read his message as I hardly read my PM (private message).
Pause
Current Time 0:01
/
Duration Time 0:01
Remaining Time -0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%
0:01
Fullscreen
00:00
Mute

“He asked for my number and started texting me. Regarding kung siya ang papalit with my past relationships, the answer is we can only hope for the best. That’s our goal naman. He met Andre already, and I guess in every relationships, Shahin needs to spend more time and proving to my family. We are taking things with prayers along it. He is a Muslim but he prays naman also to our God also as he is religious as a person. He cooks for me. Since I am on a strict diet, he basically just cooks Persian soups for me.”

Mensahe pa nga ng aktres sa kanyang PM sa FB namin about Shanin: “He is very patient to me and the people around me. One trait that endeared me to him is nakikisama siya not only sa akin but with the people who matters to me and he gives extra effort to it.

“My attraction to him wasn’t instant. Shahin had to really pursue me as may pagkaisnabera daw ako according to him, I’m not easy raw,” tsika pa ni Aiko sa amin.

Isang model, Shanin is into real estate kaya marami siyang nakasasalamuhang tao.

Pagkakasulat pa ni Aiko to share some info about his new boyfriend: “He is exposed to different kind of people especially girls and he would always tell me I was the only one who gave him a hard time. We think alike, sometimes it’s strange that we say the same things at the same time. He is very sensitive of my feelings, he panics when I’m quiet so you could see talaga na mahal ako, not because of who I am but because of my smile,” mensahe ng aktres sa amin.

Sa ngayon, bago pa lang sila ni Shanin and hopefully tulad ng ibang tao na nangangarap ng masayang lovelife at makabuo ng sarili nilang pamilya, isa rin ito sa mga pangarap ng aktres.

We hope na sana matupad na ang matagal nang pinaangarap ni Aiko para sa kanyang sarili. After two failed marriages, I hope this time ay ito na ang tunay na “journey” ng aktres with his new found love.
Stay happy. I wish you well.

JOHN LLOYD-JENNYLYN vs. JAMES-NADINE SA MAY 4

Sa pagbabago ng playdate from April 27 to May 4 ang showing ng “Just The 3 of Us” ng Star Cinema na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn  Mercado makikipagbangaan ang pelikula nina Lloydie at Jen sa pelikulang "This Time" nina James Reid at Nadine Lustre mula sa Viva Films.


Sa takilya, mag-aagawan ng audience ang dalawang pelikula na halos iisa lang ang market at manonood nila. Iisa lang ang fans na manonood na mahiligin sa mga pelikulang rom-com.


Pause
Current Time 0:01
/
Duration Time 0:01
Remaining Time -0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%
0:01
Fullscreen

00:00
Mute

Kung titingnan, ang market audience nina Lloydie at Jen ay mga 18 and above at siyempre kasama na rin doon ang mga nanay, ate, auntie, at lola na matagal nang manonood at tagasubaybay ng dalawa.

Ang manonood naman ng tambalang JaDine, mga high school students ang edad, na pati mga nanay at lola at isama mo na rin sina ate at auntie ay kinikilig na rin sa dalawa na nabuo nila sa pamamagitan ng kilig seryeng “On The Wings of Love”.

Sa ganang akin, parang sayang na magbabangayan at mag-aagawan ang dalawang pelikula sa manonood ccome May 4 na puwede namang sapol nila ang lahat ng moviegoer , mapa-Lloydie-Jeen or JaDine ka man.

Sa mahal ng presyo ng bilihin sa palengke at hindi pagbaba ng halaga ng dressed chicken sa Nepa Q-Mart at isang kilo ng bangus sa Farmer’s Market, ang yaman mo kung mapagsasabay mong mapanood ang dalawang kilig to the max movies ngayong tag-araw.

Ikaw, may P250 ka, ano ang uunahin mo at siguradong pagkakagastusan mo na pelikula? Ang “This Time” nina James at Nadine o ang “Just the 3 of Us” nina John Lloyd at Jennylyn?

Basta ako, wala akong maisasantabi. Excited ako na mapanood ang dalawang pelikulang ito next week simula sa Wednesday. Basta ako, walang pakialam sa “batya” ni Captain America.

PELIKULANG JOHN LLOYD AT JENNYLYN SA MAY 4 NA

Ang sarap sana ng weekend ko dahil mapapanood ko na ang hinihintay ko na pelikulang  pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na dapat sana'y noong Miyerkules (April 27) na ipinalabas.

Dahil hindi pa tapos ang pelikula, imbis na madaliin at maging bara-bara ay nag-decide ang Star Cinema na baguhin ang playdate from April 27 to May 4.


Sa tutoo lang, excited ako kapag pelikula ni Lloydie. Aminado ako na faney ako ng actor na tuwing may palabas siyang pelikula ay hindi ko talaga kinakaligtaan.


Pause
Current Time 0:01
/
Duration Time 0:01
Remaining Time -0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%
0:01
Fullscreen

00:00
Mute
.
I remember ‘yong kuwento ni Direk Cathay sa amin nang dumalaw kami sa set ng shooting nila sa may Korea Town sa Angeles City, Pampanga na makasasabay ng “Just The 3 of Us” and pelikulang “Captain America”. Nakakakaba nga naman, pero sabi ko kay Direk Cathy, magkaiba ang market audience ng dalawang pelikula.

Ang mga  Lloydid at Jen fans, manonood at manonood talaga sila ng pelikula ng dalawa kahit harangan man ng sibat (este, ng batya ni Captain America) kahit magsabay man ito ng playdate.


Tulad ko na aminado na may kilig si Lloydie kapag nanonood ako ng pelikula niya at ngayon ay pati si Jen (na nagustuhan ko siya sa “English Only, Please” with Derek Ramsay na sinundan ng “Pre-Nup” nila ni Sam Milby, at ang sa kanila ni Jericho Rosales), mas uunahin kong ‘di hamak ang “Just The 3 of Us” kaysa sa pelikula ni CA na ayaw kong makipasiksikan na tulad ng Batman vs. Superman na halos kinartel nila ang lahat ng sinehan na ang ending, sa dami ng mga sinehang nilabasan, sa 2nd week ng showing ng pelikula, wala nang mapanood na iba ang mga moviegoers na ang kinahinatna, natalo ang mga sinehan dahil nasagad nila agad-agad ang moviegoers na tuloy, tumamlay ng naging kita ng mga theater owner.

Sa May 4 na ang playdate ng “Just The 3 of Us” nina Lloydie at Jen na makababangga naman ang “This Time” na kilig movie nina James Reid at Nadine Lustre.

GOMA PROUD KAY JULIANA NA TUMUTULONG SA KANYANG KAMPANYA

Nakatutuwang panoorin si Juliana Gomez, ang unica hija nina Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres na nangangampanya para sa amang si Goma in Bisaya (Cebuano) sa campaign video na kumakalat ngayon sa social media at internet.

Sa video ni Goma na nasipat namin online, kasama ng mga kasambahay, driver, kusinera, at mga personal na kaibigan n Richard na tumatakong Mayor ng Ormoc City sa dararting na leksyon sa May 9, nakatutuwang panoorin si Juliana na pinu-push ang ama sa lokal na lengguwahe ng Ormoc City (Leyte).

Nang mapanood namin ang naturang video, nag-text kami kay Goma asking him kung anong dialect aside from English ang bihasa ang anak.

Sa text message sa amin ni Rchard kanina: “She speaks fluent Tagalog, English, and Bisaya or Cebuano.
Pause
Current Time 0:01
/
Duration Time 0:01
Remaining Time -0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%
0:01
Fullscreen
00:00
Mute

“Ormoc is Cebuano speaking. Most islands facing Cebu in the country is basically Cebuano speaking,” text message ng aktor sa amin kanina.

Kaya nga si Goma, sa pangangampanya niya (na umaabot siya sa mga kabundukang barangay ng Ormoc, ang lengguwahe niya sa mga kababayaan niya ay in Cebuano, na hindi mo iisipin na ang isang tubong Manila na nakapangasawa ng isang lokal na taga-Ormoc at doon na rin tumira ay matalas pa ang dila sa pagse-Cebuano na kapag kausap siya ng mga taga-Ormoc, kung hindi nila kilala ang isang Richard Gomez, iisipin nila na lokal na lokal ito.

NADINE KAMPANTE NA SA RELASYON NILA NI JAMES

Maraming girls ang insecure kay Nadine Lustre. Kasi naman, ‘di hamak na mas marami ang mas maganda sa kanya, pero siya ang pinili ng boyfriend niyang si James Reid para maging girlfriend ng hottest and sexiest bagets star ngayon sa showbiz.

Marami ang naiinggit. Marami ang ngitngit sa pagkaimbiyerna sa dalaga.

Kahit sa kabila ng kaliwa’t kanang pang-iintriga kay James (na babaero diumano ito) para magselos ang dalaga at maging rason para hiwalayan niya ang boyfie, deadma si Nadine. Wa care, ‘ika nga.


Pause
Current Time 0:01
/
Duration Time 0:01
Remaining Time -0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%
0:01
Fullscreen

00:00
Mute
Ang mga girls, isinusumpa si Nadine na imbis sa kanila mapunta si James, ang binata, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya sa kanyang girlfriend.

Si Nadine, secure na secure sa estado niya kay James pero ang dalaga, kinakabahan dahil pakiwari niya, gagawa nang hindi maganda ang bashers niya dahil sa selos nila sa kanya at siya nga ang pinili ng binata.

Mas lalong mai-insecure ang mga bashers ni Nadine kapag napanood ng mga ito ang summer offering ng Viva Films na “This Time” na sa mga nakapanood na ng trailer ng pelikula, super-duper sweet ang mga eksena ng dalawa na mapanonood na sa May 4 sa direksyon ni Nuel Naval.

Kung dati na hindi pa officially magkarelasyon ang dalawa (only last February 11 lang naging sila), may kilig na ang mga nauna nilang mga pelikula, what more na ngayon ay official na ang relasyon nila habang ginagawa nila ang “This Time”? Malamang sa hindi, ang mga bashers at may inis kay Nadine, magngingitngit sa inggit.


Ang takot lang ng dalaga ay baka saktan siya ng may mga may masamang iniisip laban sa kanya.
“Kasi you won’t believe kung gaano ka-grabe ‘yung iba pong supporters sa kanya. Like they would go crazy just to ask for a photo and just to see him. So parang nakakatakot, baka awayin ako or something,” pahayag niya sa isang interview.

Pero may assurance naman ang kanyang boyfie na si James sa kanya na nagpapataba ng puso ng dalaga, “She don’t have to worry. I will always protect her no matter what…”

DEE GIRLS DISENTE AT HINDI BASTOS TULAD NG MOCHA GIRLS

Sinimulan ng sing and dance sexy all-female group na SexBomb ang uso. Ang grupo na binuo ng dating Vicor Dancer in the 80’s na si Joy Cancio na nagpasikat kina Rochelle Pangilinan and the rest ay naging by-word ng bawat bata sa kalye.

Lahat ng mga bagets, gustong maging isang Sex Bomb dancer. Lahat ng may pangarap, gusto maging tulad nina Rochelle at mga kasamahan niya. Lahat ng mga bagets, gustong gumiling at magpaseksi sa kanilang sayaw na siyang tatak ng grupo.


Kaya hindi mo masisisi ang bagong sing and dance grupo na Dee Girls na mina-manage ng Guam-based businessman-singer cum performer na si Jimmy Dee na magbuo rin ng sarili niyang grupo para mag-entertain sa mga manonood.

Kaya nga happy ang seven all-girls member ng Dee Girls dahil malapit na silang umalis patungong Guam para sa first major performance nila, kung saan doon muna sila mabe-base pansamantala para mas lalong mahasa.
Pause
Current Time 0:01
/
Duration Time 0:01
Remaining Time -0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%
0:01
Fullscreen
00:00
Mute

Sa pangunguna ng founder ng Dee Girls na si Nicole Yao na binuo ang group thru her FB account, sabi niya “Nagtawag po ako thru may Facebook at marami po ang nag-reply at nag-audition, kaya heto na kami ngayon.”

Sabi pa ni Nicole, maide-decribe niya ang grupo nila na iba sa mga mas nauna sa kanila.
“Disente po kami kaysa sa Mocha Girls or sa ibang mga dance goup,” paliwanag niya sa amin.
“We do hip-hop and Polynesian. Apat sa amin, p’wedeng kumanta aside from being dancers,” dagdag pa ni Nicole.

Sa katunayan, excited ang grupo sa pagpunta nila sa Guam (kung saan si Jimmy Dee owns a beach resort) at pagbabalita nga ni Nicole ay nakapag-apply na raw sila ng US Visa.

Comparing the performances of Dee Girls at Mocha Girls, ‘di hamak na mas disente nga sina Nicole, dahil walang paupo-upo sa lap ng costumer na lalaki or “dukot-dukot” or pamimigay ng suot nilang sexy bikini panty ang Dee Girls na siyang kadalasang gimmick at paandar ng Mocha Girls.