Wednesday, July 8, 2015

ANGEL LOCSIN SUPPORTS BAYAN MUNA'S REP. NERI COLMENARES

Nice to learn na magsisimula na muli si Angel Locsin mag-shooting ng movie nila ni Vilma Santos as scheduled bukas (Thursday) na hopefully ay matuloy at wala na ang bagyong si Egay; ayon sa kuwento ng manager niya na si Manay Ethel Ramos sa amin kanina nang may i-clarify ako kay Manay Ethel.

Nakabalik na kasi si Ate Vi from her Italian "official" trip and at the same time ay bakasyon kaya pwede na magbalik shooting ang aktres.

Excited na kasi si Angel humarap muli sa kamera ni Direk Joyce Bernal  lalo pa’t nabalam ang shooting niya (nakunan na pala siya ng ilang mga eksena) dahil ilang buwan na rin siya nakatenga while waiting for Vilma’s return at siya naman ay ongoing ang therapy sa slipped disk accident na natamo niya years ago during the shooting of their movie ni Piolo Pascual kung saan ang role ni Papa P ay isang local cowboy.

Yesterday, Tuesday naibalita sa amin ng  kaibigang Bemz Benedito of the LGBT group “Ang Ladlad:  na hindi man nakadalo si Angel sa launching ng “Like Ko si Neri (Colmenares) for Senator Movement” kung saan isa si Angel sa mga convenor ng grupo ay aktibo ang aktres sa kanyang pagbibigay suporta sa incumbent Bayan Muna Partylist Representative na tumakbo ito for a seat sa Senate.

Sabi ng manager ng aktres:’Cousin niya si Neri. Sayang wala siya (Neri),” sa pagtitipon.


Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares
Dumalo sa pagtitipon sa QC Sport Club bukod kay Bemz ay sina Monique Wilson for Women and Gabriela; chess master Eugene Torre; Businessman Carl Balita at ilang mga labor and transport sector leaders para kumbinsihin si Rep. Neri to run for the senate in the next year election.

A couple of months ago, nakabasa kami ng letter of support na ipinamamahagi sa media at ilang mga concern citizens na pagnanais nila himukin si Rep. Neri to run for the Senate sa May 2015 election at isa sa mga signatories ng naturang sulat ay ang aktres.

Hindi man nakadalo si Angel sa pagtitipon yesterday, ang ama naman niya ang "official representative" ng aktres na nang mga sandaling yun ay naga-undergo ng therapy dahil sa kanyang makirot na slipped-disk na natamo. 

No comments:

Post a Comment