Monday, June 29, 2015

DIRECTORIAL DEBUT NI CARLOS MORALES NA "PIRING" WAGI SA FILM FESTIVAL

Nice to learn na wagi ang first directorial job ni Carlos Morales na Piring as 2nd Best Picture (Filipino New Cinema Category) sa World Premieres Film Festival Philippines.

 Aside from the award mentioned;  nagwagi rin as Best Screenplay at sa Best Supporting Actor si Rocky Salumbides last Sunday night sa awarding ceremony na ginanap sa Mall of Asia Centerstage.

Masaya si Carlos dahil hindi niya ini-expect na as a newcomer sa film direction ay mananalo siya.

Eight out of 40 entries, nabiyan siya ng break at napasali ang pelikula niya kung saan nagtiwala agad ang mga beterano tulad nina Bembol Roco, Tessie Tomas at Yussef Esteves sa kakayahan niya bilang isang director kahit hindi pa naman nasusubukan o' napapanood kung ano ang alam niya sa film directing.

Inspired si Carlos nang gawing niya ang "Piring". Kuwento niya sa amin: “After my first experience. I want to pursue it kaya inspired ako sa galing nina Chito Roño, Lino Brocka, Maryo J, Wenn Deremas, and Eddie Garcia .”

"Ngayon, mas inspirado ako na pagbutihan ang next film project ko. Salamat sa mga artista na nagtiwala sa akin kahit baguhan ako," pahayag ng actor-director.

Simula bukas June 30 until July 7 ay mapapanood ang pelikula ng tatlong araw sa mga piling SM Cinemas sa Metro Manila.


The Team of Piring with Direk Carlos (in beige suit)

No comments:

Post a Comment