Monday, June 22, 2015

"DISKRIMINASYON!" SIGAW NI BOY ABUNDA SA KASO NI VEEJAY

Discrimination ang ginawa ng management ng Valkyrie Club , isang sosyal daw at para sa mga pasosyal na hangout na matatagpuan sa BGC kung saan nakaranas ng diskriminasyon ang  sikat at magaling na fashion designer na si Veejay Floresca kamakailan dahil sa kanyang sexual orientation as a transgender.

Para sa kalinawan ng marami; ang isang “transgender” ay isang tao na iba ang itinuturing na kasarian kaysa sa biological sex ‘o gender nito habang ang isang “crossdresser” naman ay isang tao na nagsusuot ng damit ng opposite sex.

Si Veejay, aminado na isa siyang transgender kung kaya’y suot niya ay damit ng babae. Pero magkaiba ang transgender sa isang cross-dresser na siyang "No Entry" policy ng  naturang club.

Ang diskriminasyon sa kanya ay pangalawang beses na naganap sa buwang ito kung saan sa darating na June 29 ay magkakaroon siya ng meeting sa mga pamunuan ng club para maliwanag ang isyu.

Si Boy Abunda, isang kilalang  showbiz celebrity at advocate ng LGBT rights and against discrimination na Senior Political Adviser ng Ang Ladlad Partylist ay may pahayag sa kaganapan: ” Discrimination is wrong, no matter how you view it. The Veejay Floresca incident is plain and simple discrimination. Between policies as opposed to human rights, I would scale on the human rights aspect. May patas na karapatan ang mga taong crossdresser at mga taong transgender na pumasok sa mga gugustuhin nilang pasukin dahil wala silang nilalabag na batas dahil lamang sa kanilang pamamaraan ng pananamit at kasariang pagkakakilanlan. There should also be no distinction between people who crossdress and transgender people. Both of them have the same basic human rights to express themselves according to the clothing that they wishes. I will try my best to air my commentary on Aquino and Abunda Tonight (Monday , June 22) or to make my position public on this matter asap.”

Veejay's creation

Hindi lang ito ang unang kaganapan tungkol sa diskriminasyon sa bansa lalo na involving the LGBT community. Remember the case of Inday Garutay laban sa Aruba Bar sa Metro Walk ilang taon na ang nakakaraan?

Lalaki, Babae, Bakla, Transgerder man or Transexual; lahat tayo ay pantay-pantay at may karapatan.

No comments:

Post a Comment