Nililinaw lang namin na hindi ST (sex trip) ang pelikula ng actor.Acting piece actually ito at isang magandang project kaya pumayag siya gawin. “As an artist, you want to do things that you like and not just for the purpose that you need to do the film dahil artista ka,” sabi niya.
Sa estado ng kanyang showbiz career ngayon na halos lahat ng mga artista ay pangarap na maabot ang narating ng isang Piolo Pascual, may mga pangarap pa rin ang aktor na gusto niya tuparin. “At this stage of my career, I am inclined to do more unusual stories with out-of-the-box characters that seldom come in my mainstream projects. I enjoy my work as actor, because I am given a chance to portray other people’s lives,” kuwento niya sa media.
Pagmamalaki ni Papa P. na dapat abangan ng mga manonood sa Silong ang love scene nila ng kaparehan na medyo natatawa siya. “I have this passionate love scene with Rhian (Ramos) that is bound to shock audiences. It cannot be the other way around as we are playing characters with twisted minds. But in between takes, I have to cover Rhian’s body and wait for the next take.”
Dahil first love scene ni Rhian sa tanang showbiz career niya hindi maiiwasan na kakabahan siya. Kaya bago kunan ang eksena nina Direk Jeff at Direk Roy ay humingi muna siya ng glass of wine para pampakalma sa kaba niya.

Sa mga nakapanood na sa advance screening ng pelikula at naging closing film ito sa nakaraang CineMalaya 2015 film festival, ang daming magaganang reviews at papuuri ang nakuha ng pelikula mula sa manonood lalo na sa mga film reviewers.
No wonder, sa kabila ng mga natatamo ni Piolo na magagandang pangyayari sa kanyang showbiz career at happy siya, hindi rin dapat kalimutan na contented father siya sa anak na si Inigo na napakabait at masunurin sa kanya.
Sa huling paguusap naming ni Papa P. sa media launch ng kanyang pelikulang "Silong" last Sunday ay naibalita niya na magsisimula na siya ng kanyang bagong serye para sa Kapamlya Network with Toni Gonzaga, Jolina Magdangal at Sam Milby.
Kung tama ang pagkakaalala namin, nakatakda magbakasyon muna ang mag-ama anytime as a birthday gift ng actor sa anak who turned 18 last Monday, Sept. 14 bago magsimula muli magtrabaho si Papa P. para sa isang bagong teleserye na kaabang-abang.
No comments:
Post a Comment